Thursday, December 12, 2019

"Bakit Ba Tayo Nanghuhusga"


                    Image result for judging image


                 Ano ba ang panghuhusga? Ito ang abilidad na bumuo ng desisyon o gumawa ng konklusyon ukol sa isang bagay. Ang mga tao ay may iba’t-ibang katangian at pananaw sa isang tao o bagay. Maraming tao ang nagtatanong  o natataka kung bakit ba tayo nanghuhusga? Itong katanungan na ito ay masasagot lamang sa ating sarili. May maraming dahilan kung bakit nanghuusga tayo. Ito ang mga sumusunod na dahilan:
            
                Unang dahilan ay hindi natin gustong mahusgahan ng una kaya’t inuunahan natin sila para hindi tayo masaktan. Pangalawa ay may iba’t-ibang pamantayan sa isang tao kagaya ng panghusga ng porma ng tao o kaya’t ang kanilang abilidad o kakayahan. Pangatlo ay gusto lang natin makita ang tao na masaktan at mawalan ng kumpiyansa sa sarili o sa madaling salita ay sadista tayo dahil masaya tayo tuwing makikita natin ang kapwa tao natin nahihirapan o nasasaktan. At ang panghuli ay naiinggit tayo sa kanila tulad ng kung ano ang katangian na gusto natin ay nasa kanila o kung ano ang mga bagay na mayroon sila na wala tayo. Tayo, mga tao  ay pantay-pantay lang at hindi natin kailangan husgahan ang kapawa tao natin dahil bawat isa sa atin ay natatangi.
            
                Sa kabuuan nito ay dapat hindi natin husgahan ang tao dahil hindi natin alam ang kanilang pinagdaanan sa buhay na rason kung bakit ang isang tao ay nag-iba ang kanyang porma, pangingisip, katagian at iba pa. Wag natin ibaba ang kumpiyansa at dignidad ng tao dahil mali o hindi natin sang-ayon. Mahalin ang isa’t-isa dahil sa huli ng araw ay magtutulungan tayong lahat lalo na kung may sakuna.

No comments:

Post a Comment

"Choice Of Life"

          In this generation which is the 21st century everything is changing as well as the gender of a person. LGBTQIA+ is a community whe...