Monday, January 20, 2020

CAT SURVIVAL CAMP 2020: Ang Aking Karanasan at Pagsasakatuparan


           Ito ang isang panyayari o kaganapan sa mga ika-10 na baitang kung saan masusubukan ang kanilang kakayahan sa iba't-ibang pagsubok na kanilang mapagdaanan. Ika- 11 at 12 ng Enero ay ito ang araw kung saan lahat ng ika-10 na baitang ay pinaghandaan ito. Ako bilang pinuno ng pulutong ng Delta ay pimaghandaan ang lahat maliban sa mga kagamitan ay hinanda ko rin ang aking sarili mapisikal, emosyonal,  at esprituwal. Alam ko kapag sinasabi natin "Survival Camp' ay mapapasubok ka talaga o sa madaling salita, lahat ng pagkatao mo ay mapasubok.

Larawan ni Emmy Julve
            Sa unang araw ng "Survival Camp" ay nagkaroon ng inspirasyong mensahe ang punong-guro ng eskwelahan at ang nakakaigting na salita naibinahagi ng punong-guro kung ano ba nag totoong kahulugan ng "Camp". Communicating openly, ito ang ang kahulugan ng "C". Ang pag-uusap ng bukas ay isang paraan upang maintindihan at iwas problema na pwedeng mapagdaanan. Ang paraan na ito ay mabisa upang mas madaling solusyonan ang problema.
Ang "A" naman ay ibig sabihin ay Achieving your goals/. Ito ay naghuhulugan na kapag may gusto ka sa buhay mo ay dapat mo ito hawakan at hindi susukuan dahil kapag may gusto, may paraan. 

Larawan ni Emmy Julve
Ang kahulugan ng "M" naman ay Moments to cherish. Gaano paman kahirap ang pagsubok ay ngumiti parin at yamanin ang mga sandali sa buhay dahil ang memorya o mga alaala ang mananatili sa iyo. Ang "P" ay naghuhulugan ng Pay attention. Ito ang salita kung saan ipinahiwatig na dapat tumuon sa kasalukuyan at wag muna problemahin ang bukas. 

     


Larawan ni Emmy Julve

 Ang "Survival camp" ay isang pangyayari kung saan lahat ng kahulugan ng "CAMP" ay nagagamit. Ang pagsimula ng apoy gamit lang ang kahoy ay isa sa napakahirap gawin pero sa paglipas ng oras ay masasanay ka at mas maging madali ito sayo. Ang pagluto ay madali ngunit hindi mo makokontol na maigi ang apoy dahilan sa paghihirap sa amin at sa akin ng konti.  


Larawan ni Emmy Julve
      Sa kabuuan sa mga naganap sa "Survival Camp" ay nakatulong ito sa akin at sa lahat ng CAT dahil ito ay nagpamulat sa aming sa katotohanan kung ano ba talaga ang buhay. Ang mga aktibidad na naganap ay pinapalakas niya ito ang aking buong pagkatao dahil nasusubukan niya ang ang aking pisikal, emosyonal, pag-iisip at espirituwal na lakas. Dahil sa pursigido at determinasyon ng aking pulutong Delta ay kami ang nahalal bilang pinakamahusay na pulutong.


            

No comments:

Post a Comment

"Choice Of Life"

          In this generation which is the 21st century everything is changing as well as the gender of a person. LGBTQIA+ is a community whe...